BARANGAY KANLURAN KABUBUHAYAN, PINAGTIBAY ANG ADOBKASIYA SA LITERASIYA SA TULONG NG LAGUNA UNIVERSITY
Barangay Information Office
10/11/20251 min read


Isang mahalagang hakbang tungo sa mas mataas na antas ng literasiya at kultura ng pagbabasa ang isinagawa, sa pangunguna ng Barangay Kanluran Kabubuhayan sa pakikipagtulungan ng Laguna University- Community Extension Services Unit (LU-CESU).
Pormal na pinagkalooban ng LU-CESU ng mga libro ang barangay bilang pagsuporta sa adbokasiya nitong palaganapin ang kaalaman at pagmamahal sa pagbabasa sa komunidad.
Ang donasyon ay naganap kasabay ng makasaysayang pagkakapasa ng Barangay Library Ordinance, isang ordinansang naglalayong magtatag ng isang pormal na Barangay Library—na inaasahang magsisilbing sentro ng kaalaman at impormasyong madaling maa-access ng bawat mamamayan, lalo na ng mga kabataan.
Ayon sa mga opisyales ng barangay, ang proyektong ito ay patuloy na nagpapatunay na ang kanilang pinaniniwalaan na, “Barangay na Bumabasa ay Pag-asa” Layunin nitong bigyan ng mas maraming oportunidad ang mga residente na matuto, maging kritikal mag-isip, at magkaroon ng mas malawak na pananaw sa mundo.
Lubos ang pasasalamat ng Sangguniang Kabataan at ng Pamahalaang Barangay Kanluran Kabubuhayan sa Laguna University sa kanilang kabutihang-loob at aktibong pakikiisa sa layuning paunlarin ang edukasyon sa antas-barangay.
Ang pagkakaloob ng mga aklat at ang pagtatatag ng aklatan ay itinuturing na isang malaking hakbang tungo sa paglikha ng mas matalinong, mas maunlad, at mas may kamalayang komunidad.
Copyright © 2025 Barangay Kanluran Kabubuhayan, Nagcarlan, Laguna. All Rights Reserved.
CONTACT US
24-hr Command Center
Phone: 0951-054-2661
Office of the Punong Barangay
Phone: 0975-406-3239
E-mail: SBKanluranKabubuhayan@gmail.com
Address: Purok 4, Brgy. Kanluran Kabubuhayan, Nagcarlan, Laguna, Philippines 4002
CONNECT WITH US